Bumiyahe kami ng 2 oras papuntang Paris (plus 2 oras pabalik), para lang malaman na sarado sila. Kasalanan din namen hindi kami tumawag nung Biyernes para maconfirm kung bukas sila, pero sa sobrang busy at pagod na din sa biyahe nung bakasyon, hindi na namen nagawa. Sana lang alisin na nila sa website nila na bukas sila kada unang linggo ng buwan, para hindi na rin mangyari sa iba. May nakasalubong din kami na pinoy na papunta Embassy noon, buti siya taga Paris lang, kami taga Bourgogne pa.
9 January 2013
Pati pala jan sa france ay ganyan din ang sitwasyon? Ano bang nangyayari sa mag embahada natin! Wala silang pakialam sa ating mga OFW na dahilan kaya may trabaho sila!
ReplyDeleteHindi ko pa natignan ko inalis na nila yung notice. Ganun din ba sa embahada kung saan ka nakatira?
Delete